FOLLOW SOCIALS

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
FOLLOW SOCIALS +
  • Karlo Antonio David

Jeremiah

Feature ⬝ Karlo Antonio David Contains Mature and Explicit Content

Cover Artwork ⬝ Maya Angelou Nievares



NASILAW SI JEREMIAH sa kaputi ng white sand at sa mga nagakintab na dibdib ng mga nagalakad na kekiru.  Shades, at nagdilim ang tanghali sa Boracay. 


‘Kaalimuot this world,’ buntong-hininga niya. 


Nagtawa sa tabi si Sarah. 


Nakahiga sila sa mga plastic na bench sa ilalim ng puno ng niyog harap ng Estacio Uno, kung saan sila naka-check in. Si Jeremiah naka shorts, short-sleeved na polo, at fedora, naga-inom ng piña colada habang ginapigilan ang shawl maglipad sa hangin. Si Sarah naka two piece, pero naka cover up at nakatapis ng malong, nagalipad din sa hangin ang brown na ponytail. 


‘Magswim ka pala, girl?’ sabi ni Sarah. 


‘Gaga, kita mo na gani bulaw ang buhok ko, ipa-sunburn mo pa ako. Gusto mo ako maging badjao?’


Nagtawa ulit si Sarah, pero hilaw ang tawa this time. 


Kadaming issues this girl. Gilaru-laruan niya ang straw ng piña colada (ugh, kaasim) habang ginatignan ang ulbo ng notch sa trunks ng mga nagadaang keks na Arabo. 


Kadami sanang mga masarap na katawan nagalakad-lakad sa Station One: mga twinky pero makinis na Intsik (o Koreano ba, whatever), mas maputi pa sa balas; mga nagapula na Amerikano, may balahibo-flavour, may twinky din; mga Arabo (o Jay Ho ba, basta taas-ilong), chocolate-flavour masyado ang abs. May mga cute din na Pinoy magdaan minsan. 


Lami man, pero maisip pa lang ni Maya, magsakit na ang pwet niya. 


Habang gi-imagine niya kung masakit ba magpalubi sa nagdaan na negro, gilingon niya si Sarah sa tabi.


Luspad kay sige lang sa loob ng bahay o opisina, may curves pero medyo payat: nagabasa na naman ng libro ang gaga.


‘Akala ko ba nagpunta tayo dito para magbiga?’ Gikuha niya ang libro.


‘Mahiya man ako girl uy.’ Nagatawa si Sarah pagtry niya kuha balik sa libro.


‘Gaga, kasexy mo, wala kang karapatan mahiya.’ Gikurot niya ang binti nito. ‘Tayo.’


Nagtayo si Sarah, at bigla gibira ni Jeremiah ang nakatapis na malong – napakita ang makinis masyado na legs. 

‘Ayan o, ginapagtinginan ka na.’


At nagsimula bitaw lingon ang mga nagadaan sa kanilang lalaki.


Mahiyain na giipit ni Sarah ang buhok sa tenga, at napangiti siya. Kita ni Maya ang konting pagtaas ng self-confidence nito. Gaga.


Estudyante pa lang sila sa Ateneo de Davao nerd na talaga itong babaeng ito – magshift ba naman from MassCom to AB English kay nalingaw sa research. Gagabells. Hanggang sa naggraduate, nerd pa rin (research assistant ang racket of course). 


Kaya nagulat ang Maya slight nung bigla ito nag-aya last week mag-Boracay para mamiga.


Hags sa call center, plus masakit sa mata makita yung Brandon, kaya nag-leave ang bayot ng dalawang linggo (sa 4 years niya sa call center, naging supervisor na lang siya wala pa siya naka-leave ever). 


‘Hala sige, maglandi ka na. Kagabi sabi mo kapoy ka pa sa biyahe. Yan, nakatulog ka na. May energy ka na mamiga. Bilangkad na.’


‘Kalain mo Maya uy!’ pero nagatawa ang nyernyer ng gaga. ‘Hindi ko man alam anuhin...’


‘Turuan kita ha.’ Naglekwatro ang bayot. ‘Ganito. 


‘Una, maghanap ka ng type mong keks. Ako o, yang long hair na papunta dito.’


Gihubad niya ang shades niya. Ng malandi: ‘“Papa Jesus, magpabinyag ako...”’


Nagtawa si Sarah. ‘Atik girl ba!’


‘Gaga, tingnan mo lang, pero ganun ang message ng tingin. “Pahingi niyan, daddy” eyes ba.’ At paglapit ng lalaki, gigawa niya ang tingin pagdaan nito. Napanigiti ang keks bago magderetso. 


‘Expert!’ 


‘I know it too much.’ Nagsuot balik ng shades ang bayot. ‘Far too much...


‘Oh, ikaw naman. Asan ang type mo diyan?’


Naglingon-lingon si Sarah. 


‘Yun, girl,’ mahiyain niyang gituro ang isang lalaking intsikon, naka-swimming shorts.


Nakafeel bigla ng kaunting imbey si Maya. Hindi niya alam bakit.


‘Mahilig ka sa singkit?’


‘Yeah...’ may kaunting lungkot sa sagot niya. Pero nawala ito paglapit ng lalaki.


‘Pahingi Niyan Daddy eyes, ‘day.’ coach ni Maya parang bayot ng beauty contestant. 


Gisubukan ni Sarah ang tingin – gikilabutan si Jeremiah. Gahd, kalandi. Napatigil sandali ng lakad ang lalaki.


Biglang may nagtawag ng ‘babe’ sa may likod, at nawala ang moment: nagdating ang jowa ng keks, giyakap siya nito, at naglakad sila paalis parang walang nangyari. 


Natahimik si Sarah.


‘Ay taken... Pero bongga ka ha, pati taken na lalaki mapatigil mo.’ bawi ni Maya. ‘Tara ‘day uy, dun tayo sa D’Mall sa Station Two, maraming kekiru dun.’


Naglakad-lakad sila sa D’Mall. Kay September man, hindi masyado matao (salamat naman), pero madami pa ring notch na pwede ilafang. Nagayosi ang Jeremiah sa daan habang nagatingin ng mga damit  sa isang botique si Sarah.


‘Girl, bagay kaya sa akin?’ gipakita ni Sarah ang isang tank top.


‘Kahit ano ‘day, bagay sa iyo. Gaga ka.’ Nagtawa si Sarah. 


Totoo din baya – nerdy itong gagang ito, pero iba din ang ganda. Nung first year pa sila gi-friend niya talaga ito siya, kay feel talaga niya bongga itong babaeng ito. Taga-Kidapawan na haciendera (rubber heiress ang lola mo), tapos maganda pa talaga at matalino –bongga ito. Pero nerd man pala, kaya ayun, nag-drift apart sila konti over the years. Okay lang gud, naging bookish lang itong babaeng ito. 


Pero ngayon lang niya narealize na may problema itong babaeng ito. Habang nagatingin sila ng mga baligya sa D’Mall, tignan siya ng mga nagadaan na lalaki, at parang may konsensya ba o ano sa hiya ng ngiti niya sa mga tingin. 


‘Maya?’ napansin ni Sarah na kanina pa siya nakatingin. Nakalunok ng usok si Jeremiah.

 

‘Wala, ngayon ko lang nahalata – maganda ka man pala.’


Naflatter si Sarah.


‘Bayot lang ako.’


 Gihampas siya nito habang nagatawa.


‘Gaga ka talaga!’ giyakap niya ang kamay ng amiga. ‘Alangan uy, i-roomie ba diay kita kung lalaki ka pala. Tara na be, mag-sunset na..!’


Marami nang tao sa Station One, nagaselfie sa sunset sa likod ng dulo ng Boracay. May mga nagalakad sa tubig para puntahan yung grotto-grotto sa mabato na island. Orange ang kinang ng tubig at balas.

 

‘Kaganda girl!’ tili ni Sarah.


‘Ugh, kasilaw.’ 


Pagdaan nila sa isang sand sculpture na gigawa ng mga batang yagit, gitadyakan niya ito.


‘Ka-mean mo!’ May halo pa rin tuwa ang pagalit sa kanya ni Sarah habang ginaabutan ng pera ang bata.


‘Bawal sila maggawa ng ganito, kung hindi ako, malamang ang coast guard. At di ba ikaw na din nagsabi noon? “sand castles are made to be demolished.”’


‘Grabe, naalala mo pa yung essay na yun!’


‘Gistatus ko yung line sa FB.’ 


‘Bagay sa iyo in fairness, the cynical diva.’ Gikataw-an siya ni Sarah. ‘Talaga bang hindi ka ginakilig sa sunset? Kaganda kaya!’


‘Mag-Kim Chiu-Kim Chiu ako diyan with some Mr. Right? Kaluod. Kadami pang arte, mag-fuck na lang kami deretso.’


Kasarap ng tawa ni Sarah habang nahakarap sa sunset.


At paglingon niya nakangiti kay Jeremiah, nakabalot sa ulo niya ang liwanag ng araw

Gikilabutan ang bayot. 


‘Makalumos ang hangin.’ Gitakpan niya ang mukha ng shawl. ‘I think I need a cock right now to keep warm.’

 

‘Kaluod!’ tawa ni Sarah habang nagalakad sila pabalik ng Estacio Uno.



‘KUNG ANG BABAE maghaplas para maging manananggal,’ sabi ni Sarah habang nagapahid ng sun-screen si Maya, ‘ang bayot maghaplas para maging sirena.’


‘Gaga. Delusyon lang yan ng mga bayot ang sirena-sirena.’  Gihubad niya ang fedora. ‘Ang bayot, bayot.’


‘Ibang Gertrude Stein ka rin ‘no!’ Dahil normal siya, hindi nagets ng bayot ang reference. ‘Girl bakit ka naga-sunscreen na sunset naman?’


‘Masama bang maniwala pa rin kahit alam mong tapos na?’ hugot ng bayot. ‘Besides, masarap ang danlog. As if you would know.’


‘Gaga ka gud! Bantay ka lang talaga when I get laid.’ at aktong tumakbo si Sarah sa tubig. Naglublob siya sa dagat, at paglapit ni Jeremiah, nag-ahon ito, at giaya siya na maligo din.


Pagkakita niya sa ngiti nito, nakapatong sa cleavage ang isang kamay, basa ang buhok nakahawi sa pag-ahon, gikilabutan ulit si Jeremiah. Malamig ang hangin, pero parang kainit ng hubad niyang dibdib. 


‘Ayoko na lang ‘day.’ Parang takot siya mabasa.


‘Ha!? Oy, kalain mo gud, maligo tayo uy!’


‘I forgot,’ palusot ng bayot. ‘Ginadugo pala ako ngayon.’ 




NAGAKANTA NG BOSSA NOVA ang isang long haired at tan na keks (‘Taj Mahal’ daw ang title ng kanta, Brazillian song, sabi ni Sarah) sa harap ng Nigi Nigis habang nagadinner sila. Dinner by torchlight, sabay ng mga bituin at nagaliwanag na ilaw ng Bora night life ang peg nila. Bibo na hindi magulo ang Station Two.


‘Girl hindi ka magkuha ng ulam?’ sabi ni Sarah pagbalik niya galing sa buffet table. Nagalanlan ng kanin si Jeremiah mag-isa sa table. 


‘May ulam man,’ gituro niya ng simod ang keks. ‘Pero keri lang, sanay ako sa ganitong walang lasa. Hindi ko kailangan ang sarap.’


‘Naano ka girl?’ tawa ni Sarah. ‘Jilted girl lang ang drama.’


‘Anong jilted, che. Kung makatingin kaya itong kekiru na ‘to sa akin parang ako ang ulam. Wala, ewan lang bakit, pero makalungkot ang ligaya.’


‘Sabi ng bangagan sa ligaya.’


‘Gaga,’ gitawanan siya ni Sarah habang nagkuha siya ng lechon sa plato. ‘I used to think I always need a dick in my life. Nasum-od?’ 


 ‘Pero bitaw,’ nagatawa pa rin si Sarah habang nagasipsip ng sipit ng alimango. ‘Tingnan mo ang trunks niya girl, parang kalaki ng sa kanya. Masakit kaya yan?’


Biglang nawala ang gana ni Maya. 


‘Siguro,’ taas niya ng kilay. ‘Pero be, kelan mo ba ipaliwanag sa akin bakit ka nag-aya-aya bigla manghuli ng notch? Pagkaalala ko you were never the type.’


‘Change of pace?’ palusot ni Sarah. ‘Pero thanks pala ha for agreeing to come.’


‘Of course. Yan naman talaga ang papel naming mga bayot: samahan si Liza Soberano maghanap ng kekiru, tapos pag nagkita na sila ni Enrique Gil, makinig kay Liza Soberano magyawyaw about sa love and forever and shit. And then slowly fade into obscurity.’ Nagkagana ulit sa lechon ang bayot.


‘Grabe ka-cynical! Parang hindi ka rin nakatikim ng kaligayahan ha.’


‘Lagi na ‘day, ikaw na ang virgin, ako na ang slut.’ At natawa si Sarah pag-aktong oral ni Maya sa buto ng lechon. 

‘Pero bitaw, may ginalayuan din ako sa office, so escape din ito.’ 


‘Ay chika!’ Noon pa man, mahilig na makichismax itong babaeng ito. 


‘Hay naku no biggie. Actually, medyo biggie.’ Nakataas ang kilay ng bayot habang nagakitkit ng lechon. ‘This officemate ko sa Sutherland, Brandon ang pangalan. Bago-bago lang nasali sa Marketing team namin, so sa akin na-under. Lami ‘te, James Reid ang flavour. Nag-fuck-fuck lang gud kami, mahilot-hilot mo man kay bata at virgin type. Akala ko lalaki, bayot man din pala.’


Nagbuhakhak si Sarah. ‘Hindi ko talaga magets yan ba. Ayaw ng mga bayot ng kapwa bayot – pero kung magpatol ang lalaki sa bayot, di ba to some extent bayot na din siya?’


‘No!’ nakataas noo ang bayot. ‘Nagathrive ang bayot sa pagdalawa-dalawa ng lalaki, at nagaderive kami ng kaligayahan sa kaalamang gipahungawan lang kami. We will never belong to anyone, and so we will always be free. Chos.’


‘Bongga ito,’ hagikhik ni Sarah, ‘I-status ko daw yan... Tapos,’ dugtong niya habang nagastatus sa iPhone. ‘Anong nangyari dun kay Brandon?’


‘Ayun, clingy. Gusto ng commitment. I don’t do commitment.’ Nagsindi ng yosi ang bayot. ‘I don’t do love.’

‘Hindi ko alam kung hard boiled ka ba o fabulous,’ nerd-mode ni Sarah. ‘Bagong genre ka ha. Ay girl, curious ako. Been meaning to ask you matagal na.’


‘Ano man?’


‘Kelan mo nalaman na bayot ka?’


‘Nung una ako nakatikim ng notch. Masarap pala. Bayot pala ako. Pero daan na ako mahilig mag-chinese garter.’


‘Kelan din yan?’ 


‘Ten years old ako. Notch man yun ng classmate ko sa Stella Maris, grade 4 kami. Maalat, kay bago lang siya nag-ihi. Pero masarap.’


‘Tapos nun?’


‘Ayun, gi-uyab ko siya. Panglimang son na ako so nalurkey si mudra at pudrakels, pero dawat-dawat na lang. Matagal na din daw nila alam – buti pa sila. Paglabas ko pa lang daw sa bisong ni mudrakels, tikwas na ang pinky ko. Bayot since birth.’


‘Pero ikaw, inday,’ balos ni Maya. ‘Alam ko may issueses ka din. Salita.’


Bago makasagot si Sarah, may naglapit na batang yagit, nagalimos. Kulot-kulot buhok at ang tono ng Tagalog – halatang netibo. 


‘Maghingi ako ng pera ate, pangtawid lamang ng gutom.’


Batang lalaki, tipong 7 years old, parang trapo na ang damit, wangkig at kuba-kuba, medyo amoy basahan. Nagtaas ang kilay ni Jeremiah.


Pero bago makalapit ang waiter para abugin ang bata, gipatigil ito ni Sarah.


‘Ako na bahala,’ at nagtango ang waiter bago nagbalik sa ibang table. 


‘Dong, taga-asa man ka?’ Tanong ni Sarah.


‘‘Day, nasa Aklan tayo. I-Tagalog mo.’ Nagbalik ng kain si Maya.


‘Ay tama. Taga-saan ka, boy?’


‘Taga-bundok po ate’ nahiyang sagot ng bata.


‘Ati ka..?’


Nagtango ang bata.


‘Ay hala girl, Ati siya girl.’ Mangiyak-ngiyak si Sarah. ‘Sa kanila baya talaga dapat itong Boracay, nadisplace ito sila. Kasakit uy...’


Gitingnan ni Sarah ang kanyang pitaka. ‘Ikaw lang isa? Asan ang parents – ang magulang mo?’


‘Wala na po ako nanay-tatay, tiyuhin na lamang at walong pinsan.’