FOLLOW SOCIALS

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
FOLLOW SOCIALS +
  • Karlo Antonio David

Ma-Aala

Feature

Contains Mature and Explicit Content


Ang alam niya lang, may otin sa bunganga niya. Bukod doon, wala. Blanko. Lain lahat, iba lahat, wala siyang makilala. Wala siyang maalala.


‘Wala kang maala?’ hindi niya mapagilan sabi kahit may otin siya sa bunganga.


Napatingin lang konti ang may ari ng otin na gisubo niya. Kanina nakapikit, nakakagat sa labi, malalim ang paghinga. Pagsalita niya, hindi lang masyado siya napansin ng binata.


‘Huh?’


Gilabas niya agad ang otin sa bunganga niya, gitabunan ang dibdib niya (nakahubad pala siya ng pangtaas), at nag-atras konti palayo, titig sa binata.


‘Sino ka?’


‘Ha!?’


‘Hindi kita maalala. Wala akong maalala.’


‘Yawa,’ gisuot ng lalaki ang brip at shorts niya, ‘yaga-yaga ka diyan ba.’


‘Ha?’





‘Pagtarong ba.’ Hindi maniwala sa kanya ang lalaki.


‘Lagi!’ Halos sigaw na niya. ‘Seryoso! Wala akong maalala!’ Maluha-luha na siya.


‘Seryoso!?’


‘Lagi! Sino ka! Asan ako?’ Ayaw niya itanong ang gusto niya itanong kay parang kung itanong niya katanga niya tignan. Okay, kahit wala na siyang maalala hindi pa rin niya nakalimutan mahiya.


Katagal siya gitignan ng lalaki, na parang ginatignan pa rin kung seryoso siya, at hindi nagtagal naintindihan nito na totoong wala siyang maalala.


Tahimik pa rin siya sa bigla, hindi alam ang gawin. Nagpaso-paso siya sa kwarto (parang kwarto ng binata, may mga poster ng basketball player – okay, malala pa niya ano yang basketball player).


Nagbukas ang lalaki ng bintana (gabi sa labas – okay, alam pa niya ano yang bintana at ano yang gabi).

‘Wala talaga? Wala ka talagang maalala?’ Tanong ulit ng lalaki, nakayaka sa harap niya.


‘Kahit pangalan mo?’


Nag-iling siya.


‘Kung sino ka?’


Nag-iling siya ulit.


‘Pucha…’ At nagpaso-paso ulit ang lalaki.


Ano man dapat niya gawin uy? Alam niya na mahirap ito, pero saan siya magsimula? Wala talaga siyang maalala!


‘Te,’ bigla nagkara-kara sa kanya ang lalaki, gihawakan siya sa balikat. ‘Maalala mo ano yang masama at mabuti?’


‘Oo,’ sagot niya, kalahati sa sarili. ‘Oo, maalala ko…’


‘Magpatay ng tao?’


‘Masama’


‘Magtulong sa kapwa?’


‘Mabuti’


‘Magnakaw?’


‘Masama’


‘Bayot?’


‘Ha?’


‘Alam mo ano yang bayot?’


‘Oo’


‘Magbinayot, masama?’


‘Wala lang’


Napaisip ang lalaki sandali.


‘Itoy?’


‘Cute’


‘Inihaw na itoy?’


‘Kaluod!’


Medyo nagulat ang lalaki.


‘Basta ikaw yun ha! Ikaw talaga yun..! Nagastudy lang ako..!’ Biglang sabi ng lalaki sa kanya.

‘Ha?’

Pero nag-isip lang ulit ang lalaki. ‘Okay, okay…’


‘Pwede yang tulungan mo din ako?’ Nainis na siya. ‘Sino ka? Ano pangalan ko? Saan ito?’ Hindi na niya napigilan ang iyak,


Naghinga ng malalim ang lalaki. Nag-upo siya sa kama.


‘Ang pangalan mo kay Rona. Maalala mo?’


Nag-iling si Rona.


‘ 24 ka, Law Student sa Ateneo de Davao. Maalala mo yung Ateneo?’


Nag-iling si Rona na law student.


‘Nandito ka sa atin sa Kidapawan kay bakasyon. Maalala mo saan ang Kidapawan?’


Nagtango si law student Rona na taga Kidapawan. Oo, maalala niya! Itong bahay lain, pero ang Kidapawan maalala pa niya.


‘Maalala mo!?’


‘Highway sa gitna na may mga pine trees. Saan ito banda?’


‘Sa may Bautista’


‘Kung galing kang Makilala pagdating mo sa may kila Albano liko ka ng right. Pero saan sa Bautista?’


‘Bago mag-Plaridel! Pano mo naalala?’


‘Ewan ko! Bago itong bahay?’


‘Mga two years pa lang tayo dito’


Maalala pa niya ang Kidapawan! Nabuhayan si law student Rona ng loob.


‘Ikaw, sino ka?’


‘Roger. Dali, labas tayo, magdamit ka bilis.’


Nagdamit si Rona at nagsunod siya palabas ng kwarto.


Sino ito si Roger? Bata man masyado para maging asawa niya, nasa 19 lang siguro o 20. Malaki ang bahay, parang tatlo o apat ang nakatira. Bahay ni Roger? Gidala siya dito, uyab niya? (Gwapo baya, okay alam niya pa ano yang uyab at gwapo)


‘Sa stress ito ba…’ yawyaw ni Roger sa sarili habang nagabilang ng barya sa may ashtray (okay, barya, ashtray, check).


‘Roger, uyab kita?’


‘Ha?’ Sagot ni Roger, abala habang nagahalukay sa mga bag at pantalon, ‘pisti walang pamasahe…’


‘Bakit kita ginachupa kanina?’ (wow alam pa niya ano yang chupa)


‘Sa stress lagi,’ sabi ulit ni Roger habang nagapalit ng shorts. ‘Tignan mo,’ gituro niya ang makapal na libro sa lamesa, ‘kakapal ng ginamemorize mo, taxation, pati ako gipagtripan mo.’

‘Pero-’


‘Dali.’ Giputol ni Roger ang tanong niya. ‘Dalhin kita kila mama…’


Naglabas sila ng bahay. Gipara ni Roger ang nagdaan na tricycle, nagsabi ng ‘Madona baynte,’ at nagsakay sila.


Nawalan ulit ng loob si Rona. Oo, maalala niya ang Kidapawan, maalala niya lahat ng kanto kanto at liko liko. Pero lain pa rin.


Maalala niya, pero hindi makilala.


‘Hindi ko makilala…’ sabi niya sa sarili niya habang nagdaan sila sa Pilot.


‘Ha? Alangan, Kidapawan man ito, doon ang Makilala.’


‘Ha?’


‘Hindi ito Makilala!’


‘Hindi, sabi ko lain ang Kidapawan, maalala ko pero lain.’


Gititigan siya ni Roger habang nagatulo ang luha niya.


‘Lain ka din gud,’ sabi ni Roger. ‘Yaga-yaga ka man palagi, ngayon lang kita nakita ganyan kayagit ka-lost. Yung kanina o…’


‘Bakit pala kanina?’


‘Hindi mo maalala?’ Pero parang nainis na si Roger sa sarili niya. ‘Yawa.’


‘Bakit, ano pala?’


‘Hindi talaga?’ Sabi ni Roger, may halong inis at tawa. ‘Yung “alala”?’ Gipasok niya ang daliri niya sa bunganga niya at nagsabi, ‘aala?’


Naintindihan ni Rona na parang nagajoke man ito, pero hindi pa rin niya naintindihan.


‘Tapos yung pag makabira tayo kay “maka-Aala”?’


Nag-iling lang si Rona. Hindi talaga niya naintindihan. Nag-iling lang din sa inis si Roger.


Nagdating sila sa Madonna Hospital.


‘Ito matandaan mo?’


‘Oo pero lain pa rin.’


Nagpasok sila. Naglapit si Roger sa front desk.


‘Ma’am, bakante si doktora Aala?’


‘Ay kadali sir ha,’ at umalis sandali ang babae sa front desk.


‘Aala?’ Tanong ni Rona


‘Ha?’


‘Anong Aala?’


‘Apelyedo, hindi mo ma-aala – ay yawa.’


‘Ha?’


‘Maalala ba?’


‘Ang ano?’


‘Aala’


‘Ang ano lagi?’


‘Maalala mo ba ang Aala?’


‘Ha?’


Pero naputol sila pagbalik ng babae sa front desk.


‘Dito ka lang,’ sabi ni Roger, at nagpasok siya sa isang pinto na may sign nakasulat, ‘Dr Rufina M. Aala, MD’


Parang biglang may naintindihan si Rona. Oo, importante ito. ‘Ma-aala, maalala…’ Malaking bagay ito, importante. At kataw-anan.


Oo, yaga-yaga talaga siya.

Naglabas ulit si Roger, pero ngayon may kasama na babaeng nakasalamin, nakasuot pang-doktor.


‘Diyos ko anak,’ sabi ng babae, ‘Totoo ba? Maalala mo si Mommy?’


Mommy? Anak? Aala!?


Gititigan niya si Roger. Naintindihan ni Roger na naintindihan na niya. Nanglisik lang ang mata ni Rona, at giiling-iling ang ulo niya.


‘Roger Aala!?’ tanong niya kay Roger


‘Opo, ate…’ Sagot ni Roger, nakayuko.


Hindi man din ito inihaw na itoy, pero matandaan pa rin niya na marunong siya mahiya.


‘Anak ano yun?’ sabi ng nanay nila. ‘May naalala ka?’


At biglang naintindihan ni Rona ang joke na ginawa niya bago siya nawalan ng alaala.


‘Wala, Ma. Wala pa rin. Pero may muntik na ako kanina ma-Aala.’


Artwork by Neo Bryce Largo

62 views
© The Middle Mag PH

THE MIDDLE MAG PH

THE MIDDLE MAG PH

THE MIDDLE MAG PH

HELP FUND OUR NEXT ISSUES